Saturday, March 30, 2013
PARA SA LAHAT
Naiinis ako sa mga taong baluktot kung magisip!Paumanhin
pos a sinabi ko. Pero yun po ang nararamdaman ko. Bakit? Kasi sa dami ng tao sa
mundo hindi lahat ay Open-minded. Maraming taong hindi alam kung anu ba ang
tama’t mali. O sadya nga bang ginagawang Mali ang Tama, at ang Tama ginagawang
Mali. Kadalasan sa kabataan ngayon sila ay wala sa tamang dereksyun. Ang alam
lang nila eh pumasok sa eskwela puporma, para maghanap ng gwapo’t magandang
syota at mag-pasikat . Hindi lang yan, lustayin ang pera na binibigay na
allowance galling sa Parents nila. Halos hindi man lang marunong pahalagahan
ang pera pinagpawisan ng magulang nila. Bat ba ganito ang KABATAAN ngayon?
Kulang basa tamang aruga at disiplina ng magulang o tamang gabay? Asan ba ang tinatawag
na TAKOT sa DIOS? Meron ba sila nito? Oh TAKOT na meron lang sila ay yung
tipong takot mahuli ng Nanay at Tatay nila, na mahuli sa mg kalokohan na
pinag-gagawa nila. Tama ba ako o Mali? Sabihin na nating maraming tao lang
talaga ay hindi marunong rumespeto at hindi naturuan ng tamang asal. O kaya
naman tanggapin nalang natin na ang KABATAAN ngayon ay hindi na magiging
PAG-ASA ng bayan. Eto ba ang katotohan na dapat nalang natin ipawalang bahala?
O tatahimik nalang tayong walang nagawa? Sa school dyan namumulat ang bata para
mabigyan ng magandang kinabukasan. Maraming magulang ang nagsasakripisyo para
lang mapag-aral ang kanilang anak para sa kinabukasan din ng kanilang minamahal
na anak. Matutuwa ka bang tanggapin na yung pinagmamalaki mung anak na ang alam
nalang ay puro gumastos sa walng kwentang bagay, gumimik magdamad, mag-outing
kung saan saan. Asan na yung sakripisyo ng magulang mu kung pinanglilibre mu
lang sa katropa mu at pinang de-date mu sayong mga syota? Naiisip ba nila yan?
Baka naman pagdating sabahay pag pinagsasabihan, magwawala na kala mu kung sino
ASTIG, sya pa ang may ganang magalit at sumbatan ang magulang kung kulang ang
binibigay na allowance. Ganito na ba talaga ang KABATAAN na sinasabi noon na
PAG-ASA ng bayan?
Sa magulang naman. Alam ko’t masakit isipin na bilang
ina’t ama, halos ginawa nyo na ang lahat. Pero wala man lang itong magandang
isususkli sainyo, kundi puro’t pahirap at pasakit. Damdamin na dinudurog na
para na Bulkan kung sasabog, sa subrang sakit na nararamdaman nyo. Halos di nyo
maintindihan bat ba ganito ang nangyayari sa buhay nyo. Kadalasan kasi sa
kabataan ngayon wala ng TAKOT! Akala nila kaya na nila ang lahat. Pero
tanggapin man nila ang katotohanan o hindi. Anak lang sila na sana kahit kunti
marunong din magpahalaga ng pinaghirapan ng magulang nila. Tingnan natin yung
iba, mga batang paslit na iniwan ng ina, at napadpad sa bahay ampunan. Sila’y
nangangailangan ng kalinga ng isang magulang. Hiling nila na sana pagdating ng
panahon merong tunay na magulang na magmamahal at mag-aaruga sakanila. Sa mga
kabataan, sana matutunan din ninyong pag-aralan kung panu lumugar, magpakumbaba
at rumespeto. Hindi lahat kayo ang tama, matutu naman sana kayong mahalagahan
eto. At itama kung anu ang mali. Hindi lahat ng bagay pirmanente. Yan po
tatandaan nyo. Habang nabubuhay pa ang mga mahal natin sa buhay. Sana po
ipadama natin na silay importante saatin. Mahirap na ang mag-sisi sa huli.
Darating ang oras na magiging magulang din kayo. Sa panahon nayan.
Maiintindihan din ninyo kung anu ang pinagsasabi ko. Concern lang ako. Bahala
na kayo humusga sa akin. Basta ang alam ko lang , I wanna share this concern
because not all of us are open-minded. Wag mung isarado ang puso mu, kung alam
nyo ng mali wag po ninyo ng gagawin. Kasi sa bandang huli kayo rin ang mag-sa suffer
ng mga pinag-gagawa nyo. Matutu din sana kayung mahalin ang sarili ninyo. Hindi
lahat ng bagay pwede lang natin iasa sa magulang natin ang lahat at isa walang
bahala nalang ang mga bagay-bagay na dapat nating gawin at responsibilidad
bilang anak. Pero hindi po pwede na idepend nyo ang buhay nyo sa kaibagan o sa
syota nyo. We have to set our priority. Bakit? Marami kasi ngayon sa kabataan
importante ang katropa at syota keysa sa pamilya. Kasi akala nila yun na
nagbibigay lakas sa kanila tuwing silay namumurublema. Malaking MALI po yun.
Ang Magulang ay Magulang. Wala silang hinanggad kundi mapabuti ang kanilang
anak. Kung mabuti silang kaibigan eh di sana sila ang magsasabi sayo na
kausapin mu nanay o tatay mu, wag kang magtampo mahal ka ng magulang mu. Hindi
yung kaibigan na yayain ka sa kalokohan. Magpapakalasing halos magpakaluinod sa
alak, gumusatos ng gumastos, malululong sa bisyo at kung anu pang hindi
magandang gawain. Hindi yan ang solution sa problema. Kasi ang problema kayo
lang naman ang gumagawa. Ni Hindi man lang naawa sa magulang na mag-hapon
nagtatrabaho halos mamatay sa pagod tapos pag-uwi lasing ang anak at nagwawala
pa. Buhay nga naman!
Pero saludo po ako sa ibang kabataan na merong
pagsisikap na makapatapos ng pag-aaral at merong planong tulungan ang magulang,
kung sila ay meron ng magandang trabaho. Ang pangit pakinggan kung yang anak mu
na gustong mung makapagtapos ng pag-aaral ang eh laman ng isip eh mag-aasawa
na. Na hindi nga nila maayos ang kanilang sarili tapos mag-aasawa na. At kukuha
pa ng malaking responsibilidad. Kadalasan sa mga maagang nasisi-asawa ngayon
sumasaklolo pa yung magulang, kasi hindi nila matiis na yung anak nila ay
nag-hihirap. Walang pagod na pagsakripisyo parin ay ang magulang natin. San ka
rin din uuwi eh syempre sa magulang mu. Bakit nasaan na ba yung ipinagmamalaki
mung katropa, kaya ba nilang tulungan ka? O parepareho din lang kayu ng
kapalaran. Tayo po ang nagdedesisyon sa sarili natin. Habang maaga pa sana
naman maisipan ninyong magbago. Mahiya naman kayo sa magulang nyo. Maswerte pa
nga kayo dahil nandyan ang family mu para sumuporta sayo. Sana naman wag nyo ng
hintayin na mag-new year saka lang kayo magdedecide na mgbago. Kung talagang
bukal sa puso nyo ang magbago dapat patunayan na ninyo hindi puro salita dapat
ginagawa... Wag nyo ng hintayin na magbabago kayo kung huli na ang lahat.
Sa lahat ng
parent’s PROUD po ako sainyo, dahil kung wala kayo, wala din po kami sa mundong
eto, salamat po sa buhay na ibingay nyo saamin. Sa pangaral, gabay at
pagsasakripisyo. Lahat po tayo nagkakamali pero sa pagkakamaling yun tayo
natutu kung panu itama ang mali, at gawin kung anu ang dapat. Bilang isa rin
kabataan, na bubuhay po ako sa pangarap, na sana pagdating ng panahon masuklian
ko rin ang paghihirap ng parents ko at mabigyan din sila ng magandang buhay. Sa
lahat ng kabataan. Wag nyo na pong tularan ang maling bisyo. Be positive
thinker. Do your best to attain your goal. Remember simulat bata pa tayo, nung
nasa nursery tayo gusto natin makamit yung sinsabi natin na (Someday I want to
be a professional). Lahat tayo tatagumpay! Mabuhay po tayo na may takot sa dios.
Malaya po tayong mangarap at wag mawalan ng pag-asa. Dahil sa kabila ng lahat
darating na darating din ang panahon na sasabihin natin THANK YOU LORD FOR ALL
THE BLESSINGS! Di ba masayang pakinggan. I hope everybody will be happy
forever. Face your fear and be strong, coz no matter what happen ang pamilya ay
pamilya. And also God will always guide us. Never lose faith and be brave.
Lahat tayo tatagumpay kung tayo ay nasa tamang landas na tinatahak. That’s all…
Thanks for reading my blog. I hope everybody like it! Your comments and
reaction will be accepted. Once again Thank you so much and God Bless. I love You
All!
Subscribe to:
Posts (Atom)